FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

PERSONAL ACCIDENT INSURANCE

 

Ano ang Personal Accident Insurance at ano ang coverage nito?

Ang Personal Accident Insurance ay klase ng insurance nanagcocover ng lahat ng klase ng aksidente, mga aksidenteng dulot ng Acts of Nature – o aksidenteng dulot ng baha, lindol, sunog, tsunami atbp. Kasama din dito ang pagkalason, kagat ng hayop (maliban sa kagat ng lamok) at murder o unprovoked assault, na magreresulta ng pagkamatay, pagkaimbalido o permanenteng pagkabaldado.

Sino ang maaaring mag-avail ng Personal Accident Insurance

Ang mga taong 18-64 years old maliban sa mga taong nagtatrabaho bilang detective, secret service personnel, underground worker, gumagawa ng paputok, at militar.
 

Ano ang hindi kino-cover ng Personal Accident Insurance?

Natural death o pagkamatay. Mga sakit o pagka-ospital dahil sa sakit gaya ng highblood, diabetes o sakit sa puso at pagpa-pakamatay.

HOW TO AVAIL

 

Paano ko ma a-avail ang LIBRENG 100K Personal Accident Cover?

Ekslusibo lamang ito para sa mga Smart at TNT users. Gamit ang iyong cellphone, kailangan mo lamang mag register at i-text ang keyword na BIMA70 at i-send ito sa 2462.

Gaano katagal ang aking libreng insurance?

Ang libreng insurance ay para sa loob ng isang buwan, ngunit bibigyan kayo ng pagkakataon ng BIMA na ituloy-tuloy ang benefit ng protection cover sa pagbabayad ng napakaliit na halaga kada buwan.

Gusto ko ituloy-tuloy ang cover naito para sa aking pamilya, paano ko ito gagawin?

Pagkatapos ng isang buwan na libreng  100K cover ay magsisimula ng magbawas ng 5 PISO kada araw sa loob ng 14 na beses upang magtuloy-tuloy ang benepisyo ng iyong insurance, ang binabawas na halaga ay para sa susunod na buwan.

Paano naman ang ikalawang buwan habang nagbabawas pa ang insurance? Ibig sabihin ba nito ay wala pa akong cover?

Magandang balita! Dahil gusto ng BIMA ng  tuloy-tuloy na proteksyon para sa iyong Pamilya, kami ay magbibigay muli ng LIBRENG30K cover sa ikalawang buwan habang nagbabawas pa para sa iyong insurance.

HOW MUCH IS THE PERSONAL ACCIDENT INSURANCE

 

Magkano ang PAI ni BIMA?

Ang Personal Accident  Insurance na ito ay nagkakahalaga lamang ng P70 kada buwan na may maximum cash benefit na hanggang P210,000.

Paano naman kung ayaw ko ng ituloy ang pagbabayad ng insurance?

kami ay magpapadala ng SMS sa kataposan ng buwan ng iyong libreng insurance upang i-remind kayo na magde-deduct na para sa Paid insurance, sa SMS na yon ay nakalagay din ang paraan kung paano mag De-register, itext ang BIMA70 OFF sa 2462.

Paano ko mababayaran ang aking insurance sakaling mag-avail ako nito?

Ang paraan ng pagbabayad ay ginawang simple ng BIMA, mula sa inyong regular load ay ibabawas ang inyong premium.

Upang mas maintindihan natin ang load deduction scheme:

Araw-araw kada buwan ay susubukang magbawas ng BIMA ng 5 piso mula sa iyong regular load hanggang makumpleto mo ang iyong premium na 70 pesos. Suma-total 14 times kang mababawasan ng 5 piso sa loob ng isang buwan. Sakaling makumpleto na ang 70 pesos para sa naturang buwan ay hihinto na ang pagbabawas at magreresume na lamang sa susunod na buwan.

Paano kung hindi makumpleto ang 70 pesos sa isang buwan?

Wala kang dapat ipag-alala sakaling hindi makumpleto ang 70 pesos kada buwan dahil ang bawat limang pisong mababawas sa iyong load ay may katumbas na 15,000 pesos na insurance coverage.

Ano ang coverage period ng aking insurance?

Lahat ng maibabawas sa iyong load para sa kasalukuyang buwan ay siyang magiging insurance mo para sa susunod na buwan. Halimbawa, ngayong buwan ng July ay nabawasan ang iyong load ng 70 pesos para sa iyong insurance – sakaling may mangyaring aksidente na magdudulot ng pagkamatay o pagka-imbalido, ikaw o ang iyong beneficiary ay maaaring makuha ang iyong benepisyo na hanggang 210,000 pesos. Sakali namang hindi nakumpleto ang premium, halimbawa, sa loob ng isang buwan 4 na beses ka lamang nabawasan, ito ay tutumbasan ng 15,000 kada deduction, at dahil 4 nabeses kang na-deductkan ng limang ay apat na 15,000, o kabuuhan ng 60,000.

CLAIMS

 

Paano mag-claim ng insurance benefit?

  • Tumawag sa BIMA upang ireport kung anong nangyari sa insured, ang aming customer service hotline ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula 9AM TO 6PM.

  • Ang BIMA ay magbibigay ng mga instructions sa insured o beneficiary kung ano ang mga dokumentong kailangang isubmit. Ang dokumento ay magdedepende kung ang accident ay nagdulot ng death o dissability. I-submit ang lahat ng documents sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. bima fb messenger

  2. bima micro insurance ph

  3. BIMA Viber 0918-663-3248

  • Matapos i-submit ang lahat ng documents  ipa-process ni BIMA ang mga documents sa loob ng ten (10) working days at maaring ipadala ang benefits sa iyong piling paraan.

OTHERS

 

Ano ang magsisilbing reference ng aking insurance?

Sa bawat load deduction ay makakatanggap ka ng text confirmation na ang load ay naibawas para sa iyong insurance. Kada ika-30th day at makakatanggap din ng summary ng iyong binayarang insurance at kung magkano ang katumbas nitong insurance para sa susunod na buwan.

Paano kapag nawala o nanakaw ang aking SIM Card?

Huwag mag-alala, kung sakaling nanakaw ang iyong simcard o phone, ay hindi mawawala  ang iyong insurance, maaring tumawag lamang sa BIMA customer service hotline upang matulungan kayo ng BIMA Customer Service Representatives.

Ang BIMA at may system kung saan naka store ang information ng mga insured at kahit ibigay lamang ang inyong pangalan ay mahahanap namin ang inyong insurance.

Paano naman kung may gusto pa akong malaman tungkol sa BIMA?

  • I-search ang aming website: www.bima.ph

  • Tumawag sa aming Customer Service Hotline: (02) 621-4505  |  (+63) 918-663-3248

PARA SA ANUMANG KATANUNGAN, MALUGOD KAYONG TUTULUNGAN NG BIMA

TUMAWAG LAMANG SA AMING CUSTOMER SERVICE HOTLINE:

(02) 621-4505           (+63) 918-663-3248

MILVIK (BIMA) PHILIPPINES INSURANCE AGENCY INC.,

5th Flr., West Tower, Philippine Stock Exchange, Exchange Rd., Ortigas Center, Pasig City.1605 

Telephone : (02) 7 621 4505 

Globe: 0917-464-2462 

Smart: 0918-663-3248

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram